CAUAYAN CITY – Hindi na matutuloy ng kasal ng isang Aeta matapos magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kaniyang sarili noong Huwebes Santo sa Macatal, Aurora, Isabela.
Ang nagpakamatay ay si Jay-ar Dacasin, 23 anyos, binata, magsasaka at residente ng Macatal, Aurora, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt Villamor Andaya, hepe ng Aurora Police Station, sinabi niya na natakda sanang ikasal si Dacasin sa susunod na linggo ngunit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan niya at ang mga magulang ng kaniyang mapapangasawa.
Dahil umano sa sama ng loob ay binaril niya ang kaniyang sarili gamit ang improvised 12-gauge shotgun na pag-aari umano ng kaniyang yumaong ama.
Nagtamo siya ng tama ng bala sa aniyang tiyan.
Agad dinala si Dacasin sa isang ospital sa San Jose, Aurora, Isabela para malapatan ng lunas ngunit idineklara siyang dead on arrival.