--Ads--
CAUAYAN CITY – Umabot sa 11 ang namatay sa pagkalunod sa region 2 sa panahon ng paggunita ng Semana Santa.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Police Regional Office 2 (PRO-2), sa 11 na nalunod ay pinakamarami ang naitala sa lalawigan ng Cagayan na pitu, sa Isabela ay dalawa habang tig-iisa sa Santiago City at sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Sa ulat ng Regional Operations and Plans Division ng PRO-2, ang naitalang insidente ng pagkalunod ngayong taon ay tumaas ng 11.11% kumpara sa sampong naitalang pagkalunod sa paggunita ng Semana Santa noong 2018.
Sa kabila nito ay inihayag ng PRO-2 na sa pangkalahatan ay naging mapayapa ang paggunita ng Semana Santa sa ikalawang rehiyon.
--Ads--