--Ads--

CAUAYAN CITY -Nagsasagawa na ng manhunt operation laban sa suspek na sumaksak sa mag-asawang negosyante na ikinamatay ng mister at ipinagbubuntis ng misis sa Dagupan, Aglipay, Quirino.

Ang mga biktima ay ang mag-asawang Orlando Padduyao, 32 anyos at Marilyn Padduyao, 30 anyos, residente ng Purok 5, Dagupan, Aglipay,Quirino.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCapt. Reynold Gonzales, hepe ng Aglipay Police Station na sa kanilang imbestigasyon ay natukoy ang suspek na si Ranny Boy Lawagan, 23 anyos.

Nagtamo ng mga malubhang sugat sa katawan si Orlando Padduyao na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

--Ads--

Nagtamo rin ng mga saksak ang misis na si Marilyn na nagbunga ng pagkasawi ng walong buwang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Ayon kay PCapt Gonzales, sinabi ni Gng. Padduyao na patuloy na nagpapagaling sa ospital na napansin nila na may nagpupumilit na buksan ang kanilang pintuan ngunit nang kanilang tingnan ay nawala kaya’t ipinagpatuloy nilang matulog.

Gayunman, nagulat sila nang makalipas ang ilang minuto ay nakapasok ang suspek at sila ay pinagsasaksak gamit ang samurai na may habang 28 inches.

Nagsisigaw ang mag-asawa kaya tumakas ang suspek.

Pagnanakaw ang tinitingnang anggulo ng mga pulis dahil naunang napagnakawan ang mag-asawang Padduyao at ang kanilang pinaghihinalaan ay si Lawagan.

Ang tinig ni PCapt Reynold Gonzales

Inihahanda na ang kasong murder, frustrated murder at unintentional abortion laban kay Lawagan.