--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagpadala na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng Rapid Reaction Team sa Libya upang asikasuhin ang pag-uwi sa bansa ng mga Overseas Filipino Workers (Ofw’s).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ngayong nakataas na sa alert level 4 sa Libya ay umiiral na ang mandatory forced repatriation.

Nakikiusap na sila sa mga Ofw na magtungo na sa Embahada ng Pilipinas sa Tripoli dahil sa lumalalang civil war sa Libya.

Bukod sa Rapid Reaction Team ng DFA ay nagpadala ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng augmentation team upang mag-asikaso sa pag-uwi na ng mga manggagawang Pinoy sa Libya.

--Ads--
Ang tinig ni Labor Secretary Silvestre Bello III

Samantala, mahigit 40 Ofw’s mula sa Libya na tinulungan ng pamahalan ang nakauwi na sa bansa.