--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinilala ng militar ang isa sa tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) na napatay sa sagupaan sa San Sebastian Jones, Isabela.

Unang natagpuan ng mga sundalo ang bangkay ng dalawang NPA na ang isa ay kumander.

Ang ikatlo ay natagpuan sa daan matapos iwan ng kanyang mga kasamang rebelde.

Matatandaang namatay ang isang sundalo na may ranggong Private 1st Class na tubong San Guillermo, Isabela habang nasugatan ang isang CAFGU sa pananambang sa anim na sundalo na magsasagawa sana ng community support activity sa Namnama, Jones, Isabela.

--Ads--

Nagpapasalamat si Army Maj. Gen. Pablo Lorenzo, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa ipinapakitang malasakit at tulong ng mga sibilyan sa militar sa kampanya laban sa mga NPA sa kanilang nasasakupan.

Ayon pa kay Maj. Gen Lorenzo, umaasa ang mga mamamayan na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang protektahan ang kanilang karapatan at kaligtasan.

Samantala, kinilala ni Army Major Noriel Tayaban, hepe ng Division Public Affairs Office ( DPAO) ng 5h ID ang napatay na kumander ng NPA na si Eric Espinosa alyas ka Brando na tubong Dinapigue, Isabela at platoon leader ng Central Front ng Rehiyong Cagayan Valley.

Bata pa umano si Espinosa nang sumapi sa NPA.

Ang tinig ni Army Major N oriel tayaban