--Ads--

CAUAYAN CITY – Ibabalik sa mental hospital sa Baguio City ang magsasakang dinakip ng mga otoridad matapos i-hostage ang kaniyang mga anak sa Buliwao, Quezon Nueva Vizcaya.

Ang ibabalik sa mental hospital ay si Migo Tiago, 40-anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sinabi ni PCpt Angelo Dasalla, hepe ng Quezon Police Station, nagsumbong sa kanilang himpilan ang misis ni Tiago dahil sa pananakit nito.

Agad tumugon ang mga otoridad at inakyat ang bahay ng suspek.

--Ads--

Nang makita ni Tiago ang mga otoridad na paakyat na sa kanilang bahay ay naging agresibo siya at kinuha ang isa sa 5 na anak saka tinutukan ng itak.

Nang makakuha ng pagkakataon ay binaril ni PSsg Malcon Tul-o ang kamay ni Tiago kaya nabitiwan ang hawak na itak na nagresulta ng kaniyang pagkadakip.

Samantala, dinismis ni Provincial Prosecutor Atty. Emerson Turingan ang kasong isinampa laban kay Tiago at inirekomendang dalhin siya sa mental hospital para magamot.

Ito ay matapos na makita ang mga ebidensya na ang suspek ay may problema sa pag-iisip.

Sinabi naman ni Tiago na nagawa niyang i-hostage ang kaniyang mga anak dahil sa iba’t ibang boses na bumubulong sa kaniya.

Ang tinig ni PCpt Angelo Dasalla