--Ads--

CAUAYAN CITY – Susuportahan ng Isabela bloc ang babasbasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bagong House Speaker.

Ang Isabela ay binubuo ng 8 na kongresista kabilang ang mga regular na congressmen ng 6 distrit ng Isabela at dalawang representative ng LPGMA Partylist at Philreca Partylist.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Congressman-elect Antonio Albano ng 1st District ng Isabela na bagamat nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya mag-eendorso ng house speaker ay hihintayin nila ang kanyang last minute decision.

Ang tinig ni Congressman-elect Antonio Albano

Kabilang sa mga nagnanais na maging house speaker sina Leyte Representative Martin Romualdez, Marinduque Representative Lord Allan Velasco, Taguig City Representative Alan Peter Cayetano at Davao Del Norte Representative Pantaleon Alvarez

--Ads--