--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang construction worker habang nasugatan ang isang kasama matapos matabunan ng hinukay na lupa sa ginagawang pundasyon ng ipinapatayong mall sa Batal, Santiago City.

Ang namatay ay si Christopher Bueno, 30 anyos at ang nasugatan ay si Jeremy Palate, 37 anyos, kapwa may-asawa, construction worker at residente ng Tumauini, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nasa hinukay na butas ang mga biktima kasama ang tatlong iba pa dahil naglalagay sila ng mga bakal para sa pundasyon ng poste ng ipinapatayong mall nang gumuho ang hinukay na lupa.

Natabunan ng lupa si Bueno at naisugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival habang patuloy na ginagamot ang nasugatang kasama na si Palate.

--Ads--

Nakaligtas ang tatlo nilang kasama dahil agad silang nakatakbo kaya naiwasan nilang matabunan ng gumuhong lupa.