--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang binatang janitor ng isang establisiyemento matapos makoryente sa Población South, Solano, Nueva Vizcaya.

Ang namatay ay si Jordan Chris Dumagat, 19 anyos at residente ng Quezon, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj Rubelita Aglipay, ang OIC Chief of Police ng Solano Police Station, sinabi niya na umakyat sa bubong ng pinagtatrabahuan na establisiyimento kasama ang maintenace crew para maglinis ngunit dahil sa malakas na hangin ay napahawak si Dumagat sa live wire.

May pulso pa ang biktima nang datnan ng mga kasapi ng Bureau of Fire Protection (BFP) Solano ngunit pumutok ang ilang bahagi ng katawan nito at nangitim na ang kaniyang kulay.

--Ads--

Dinala sa ospital ang biktima ngunit binawian siya ng buhay.