--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang malalimang imbestigasyon ng Cabagan Police Station para matukoy at madakip ang mga salarin sa naganap na pananambang sa pamilya ng isang babaeng barangay kagawad sa San Antonio, Cabagan, Isabela

Nasawi sa pananambang si Barangay Kagawad Beneth Balisi, 54 anyos at residente ng San Antonio, Cabagan, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj Noel Magbitang, hepe ng Cabagan Police Station na ang biktima kasama ang kanyang mister na si Jovy Balisi at anak nila na si Jessa Mae Balisi, 21 anyos, dalaga ay galing sa kanilang bukid sakay ng kanilang farm machinery nang bigla silang pagbabarilin.

Natamaan ng bala sa dibdib ang barangay kagawad habang nakatakbo ng kanyang asawa at anak.

--Ads--

Matapos ang pamamaril ay tumakas sa hindi malamang direksiyon ang dalawang suspek.

Dinala sa ospital si Balisi ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physicial.

Ayon kay PMaj Magbitang, nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang isang bala ng M16 armalite rifle.

Nanawagan siya sa mga nakakita sa krimen na makipagtulungan sa mga pulis upang agad na matukoy at madakip ang mga salarin.

Ang tinig ni PMaj Noel Magbitang