--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakaburol na sa kanilang bahay sa Buenavista, Santiago City ang labi ng isang assistant branch manager ng supermarket sa Laoag City, Ilocos Norte na pinatay noong July 16, 2019.

Ang biktima ay si Juvilyn Barjaga, 26 anyos, asst. branch manager ng Savemore sa Laoag City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Joey Barjaga, kapatid ng biktima na pinatay ng hindi pa nakikilalang suspek ang kanyang kapatid sa pamamagitan ng pagsakal sa kanya gamit ang cord ng rice cooker.

Hindi pa nila alam ang motibo sa pagpaslang sa kanyang kapatid at patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad.

--Ads--

Hinihintay din nila ang resulta ng pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa labi ng dalaga.

Ayon kay Ginoong Barjaga, mabait ang kanyang kapatid at wala silang alam na kanyang kasintahan.

Umaapela ang pamilya ng biktima na iwasan ang paglalabas ng mga haka-haka na hindi nakakatulong sa imbestigasyon sa krimen.

Ang tinig ni Mr. Joey Barjaga