--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang empleado ng Local Government Unit (LGU) sa isinagawang drug buy-bust operation sa isang gasolinahan sa Calamagui 2nd, Lunsod ng Ilagan.

Ang nadakip ay si Nicolai Andrew Gonzales, 36 anyos taong gulang, may-asawa at residente ng barangay Lullutan, Lunsod ng Ilagan.

Sa operasyon ng City of Ilagan Police Station, nakuha sa pag-iingat ni Gonzales ng pulis na nagpanggap na poseur/buyer ang isang sachet ng hinihinalang shabu, Php 1,000 drug buy-bust money at isang cellphone.

Sasampahan siya ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous drugs act of 2002.

--Ads--

Samantala, sa Roxas, Isabela ay naaresto ang isang helper sa isinagawang drug buy-bust operation sa barangay San Luis ng mga kasapi ng Roxas Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2.

Ang suspek ay si Jong Austria, 31 anyos, may asawa at residente ng Santo Domingo, Nueva Ecija.

Nasamsam kay Austria ang Php 500 buy-bust money at isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang cellphone at wallet.

Sasampahan si Austria ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.