--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng Nagtipunan Police Station sa pagkamatay ng isang crane operator matapos na malunod sa Bucao bridge sa Keat, Nagtipunan, Quirino.

Ang biktima ay si Christopher Cornelio, 40 anyos, may-asawa, crane operator at residente ng Tandang Sora, Quezon City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan,  habang kasagsagan ng malakas na ulan ay sinubukan ng biktima kasama ang iba pa na tawirin ang ilog.

Dahil umano sa lakas ng agos ng tubig ay tinangay si Conelio na nagbunga ng kanyang pagkalunod.

--Ads--

Natagpuan ng mga opisyal ng barangay ang kanyang bangkay na  palutang-lutang  sa ilog.