--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang apat na tao kabilang ang isang bata  sa banggaan ng kolong-kolong at motorsiklo sa Villamor, Cabarroguis, Quirino.

Ang  mga  biktima na sakay ng kolong-kolong ay sina  John Reynon Baday, 28 anyos at sakay na si Jonh Rey Baday, 5 anyos. 

Ang tsuper ng nakabanggaang motorsiklo  ay si Jannel Awana, residente ng Aurora West, Diffun, Quirino.

Nasugatan ang angkas na si  Oliver John Abalos, residente ng  Villa Ventura, Aglipay, Quirino.

--Ads--

Sa  imbestigasyon ng Cabarroguis Police Station,  binabagtas ng mga biktima at suspek ang daan sa magkasalungat na direksyon  nang  biglang humarurot ang motorsiklo para lampasan ang sinusundang tricycle ngunit  nabangga  ang paparating na kolong-kolong.

Pawang nagtamo ng sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na  dinala sa ospital ng mga tumugon na kasapi ng Rescue team  para sila ay malapatan ng lunas.

Dinala sa  Cabarroguis Police station ang mga sangkot na sasakyan para sa kaukulang disposisyon.