--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaasikaso na ng pamahalaan ang pag-uwi sa bangkay ng Overseas Filipino Worker (Ofw) na nasawi matapos umanong mahulog sa isang gusali sa Singapore.

Ang biktima ay si Cely Estrella, 37 anyos, hiwalay sa asawa, residente ng Concepcion, Solano, Nueva Vizcaya at nagtungo sa Singapore noong November 18, 2018.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni OIC Regional Director Luzviminda Tumaliuan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) region 2 na nakakuha sila ng impormasyon na bago nasawi si Estrella ay nakita sa social media na nagla-live video sa balcony ng isang gusali dakong na alas otso ng umaga noong Miyerkoles ngunit biglang naputol at dakong 8:30am ay nakatanggap ng impormasyon ang pamilya na patay na ang Ofw.

Ang tinig ni OWWA Regional Director Luzviminda Tumaliuan

Sa hiwalay na panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na inaasikaso na nila ang pagpapauwi sa labi ni Estrella.

--Ads--

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa Singapore upang malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Abala na rin aniya ang OWWA sa pagtulong sa pamilya ni Estrella upang maiuwi na sa bansa ang kanyang bangkay maging ang ibibigay na benepisyo bilang miyembro ng OWWA.

Ang tinig ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac