--Ads--

CAUAYAN CITY – Naiuwi na sa kanilang bahay sa Concepcion, Solano, Nueva Vizcaya ang bangkay ng Overseas Filipino Worker (Ofw) na nasawi matapos umanong mahulog sa isang gusali sa Singapore.

Ang bangkay ni Cely Alcantara-Estrella  37 anyos, hiwalay sa asawa, residente ng Concepcion, Solano, Nueva Vizcaya at nagtungo sa Singapore noong November 18, 2018 ay idinating kaninang madaling araw.

Kasama sa mga nagdala pauwi sa bangkay ng OFW ay ilang opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Labis na nagpapasalamat ang pamilya ni Estrella sa mabilis na action para maiuwi na ang bangkay ng Ofw.

--Ads--

Pinasalamatan din nila ang ilang pinunong lokal sa Nueva Vizcaya na tumulong sa kanila.

Sinasabing nagpakamatay si Estrella sa pamamagitan ng pagtalon mula sa isang  gusali  sa Singapore.

Bago naiulat na namatay ang OFw ay nakita siya sa kanyang live video sa social media na sinisisi niya ang dalawang tao sa paghack sa kanyang Fb account at naglagay umano ng mga impormasyon na  nakaapekto sa kanyang pamilya.