--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuang patay ang isang ginang matapos malunod sa Cagayan River na nasasakupan ng Bacradal, Echague, Isabela

Ang biktima ay si Imelda Acosta, 41 anyos, may-asawa at residente rin sa nabanggit na barangay.

Nakatanggap ng impormasyon ang Echague Police Station mula sa isang concerned citizen na may natagpuang bangkay.

Sa kanilang pagsisiyasat, sinabi ng anak ng biktima na galing sila ng Pangal Norte, Echague, Isabela at tinawid nila ang Cagayan River ngunit habang nasa gitna sila ay nawala si ginang Acosta.

--Ads--

Nabigo ang anak na matagpuan ang kanyang ina.

Ang labi ng ginang ay dinala sa isang punerarya sa Soyung, Echague, Isabela para sa awtopsiya.