--Ads--

CAUAYAN CITY – Sasampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang tsuper ng jeep na nagkaroon ng mechanical defect habang binabagtas ang pababang bahagi ng sa daan sa Sitio Namacalan, Casala, San Mariano, Isabela kaya tumalon ang sakay na ginang na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Ang biktima ay si Amelita Etchore, 56 anyos, may-asawa habang ang driver ng jeep ay si Rey Ventura, nasa tamang edad, may-asawa at kapwa residente ng Casala, San Mariano Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang jeep na minamaneho ni Ventura at pag-aari ni Bobot Tappa ay patungong Centro ng San Mariano, Isabela ngunit nagkaroon ng mechanical deffect habang nasa pababang bahagi ng daan

Tumalon ang biktima mula sa jeep ngunit tumama ang kanyang ulo sa bato at nagtamo ng malalang sugat.

--Ads--

Unang dinala si Etchore sa San Mariano Community Hospital bago inilipat sa isang pribadong ospital sa Cauayan City ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.