--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang sundalo habang dalawa ang nasugatan sa banggaan ng van at truck kaninang alas kuwatro ng madaling araw sa national highway sa  Upi Gamu, Isabela.

Ang nasawi ay si Army SSgt Magno Taguitag, 37 anyos,  residente ng lalawigan ng Kalinga ngunit  pansamantalang nakatira sa CMFD, Upi, Gamu, Isabela habang nasugatan ang kasamang sundalo na si  Rommel Gamboa, 28 anyos at residente ng Putik,  Zamboanga City.

Ang driver ng  Isuzu aluminum wing van truck na nakabanggaan ng Hi-Ace van na sinasakyan ng dalawng sundalo ay si Antonio Peru, 33 anyos at residente ng Guibel, San Jacinto, Pangasinan.

Lumabas sa imbestigasyon ng Gamu Police Station na patungong direksiyon ng Naguilian, Isabela ang van na minamaneho ni Taguitag nang makabanggaan ang wing van truck.

--Ads--

Nagtamo ng malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima kabilang ang tsuper ng wing van na agad na dinala sa Gov. Faustino N. Dy Memorial Hospital sa Lunsod ng Ilagan ng mga  kasapi ng  Rescue DART 831 ngunit idineklarang dead on arrival si SSgt Taguitag.

Patuloy ang imbestigasyon ng  Gamu Police Station sa naganap na banggaan ng dalawang sasakyan.