--Ads--

CAUAYAN CITY – Isasagawa ang 1st Wakeboarding Competition sa pagdiriwang ng Quirino Day sa Setyembre 6-10, 2019.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Governor Dakila Carlo Cua ng Quirino na kung dati ay motocross ang kanilang highlight sa pagdiriwang ng Quirino Day , ngayong 2019 ay nais nilang maging highlight ang wakeboarding competition.

Umaasa si Gov. Cua na bukod sa mga taga-Quirino ay lalahok ang mga taga-Isabela, Ifugao at Nueva Vizcaya.

Ayon kay Gov. Cua, balak din nilang anyayahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Quirino Day Celebration.

--Ads--
Ang tinig ni Gov. Dakila Cua ng Quirino

Magbibigay din ng saya sa pagdiriwang ang concert tampok ang ilang artista na kanilang aanyayahan.