--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaresto ang isang estudiyante sa drug buy-bust operation ng Cauayan City Police Station sa Alinam, Cauayan City.

Ang naaresto ay isang 18 anyos na binata na 1st year college student at residente ng Del Pilar, Alicia, Isabela.

Sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station sa barangay Alinam ay positibong nakabili ang pulis na nagpanggap na poseur/buyer ng isang zip lock na naglalaman ng hinihinalang Marijuana kapalit ng Php 500 na marked money.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay newly identified drug personality sa Cauayan City.

--Ads--

Inaalam nila kung may record siya sa illegal drugs sa bayan ng Alicia, Isabela.

Samantala, inamin ng suspek gumamit siya noon ng ipinagbabawal na gamot.

Sasampahan siya ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.