--Ads--

CAUAYAN CITY– Kinansela ni Governor Rodito Albano ang klase ngayong hapon hanggang bukas sa lahat ng level sa public at private schools sa Isabela bilang precautionary measures sa posibleng panganib na dulot ng bagyong Jenny dahil nasa signal #2 na ang Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Albano, sinabi niya na layunin ng kanyang hakbang na maiwasan ang anumang epekto ng bagyo lalo na kung malakas ang dala nitong hangin at ulan.

Sinabi ng gobernador na mahigpit na ring ipinapatupad ang liquor ban o pagbabawal sa pagbebenta, pagbili at pag-inom ng alak sa buong lalawigan para hindi maaapektuhan ang paghahanda ng bagyo ng mga mamamayan.

Samantala, 12 pamilya o kabuoang 34 na indibidwal ang inilikas sa barangay Gaddanan, San Mateo, Isabela dahil sa bagyong Jenny.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo radyo Cauayan, inihayag ni Barangay Kapitan Noel Nicolas ng Gaddanan, San Mateo, Isabela na mayroon nang ibinigay na tulong sa mga inilikas na pamilya.

Inaasahang magbibigay din ng tulong ang Municipal Social Welfare Ddevelopment Office at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa mga apektadong pamilya.