--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatlong overflow bridges sa Isabela ang hindi madaanan dahil sa pagtaas ng water level sa Cagayan River dahil sa mga pag-ulan na dulot ng bagyong Jenny.

Batay sa monitoring na isinagawa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), unpassable ngayon ang overflow bridge sa Baculud, Ilagan City gayundin sa Sto. Tomas at Sta. Maria, Isabela.

Samantala, nakabalik na kaninang umaga sa kanilang mga bahay sa Gaddanan, San Mateo, Isabela ang 12 na pamilya o 34 na individual na lumikas kahapon sa kanilang community center dahil sa pag-apaw ng sapa sa kanilang lugar.

Sinabi ni Barangay Kapitan Noel Nicolas ng Gaddanan, San Mateo, Isabela na nagkaloob sila ng mga relief goods sa mga evacuees bago sila inihatid sa kanilang mga bahay.

--Ads--