--Ads--

CAUAYAN CITY– Hindi inaasahan ni Engineer Derrick Munar Ramos ng Bugallion Proper, Ramon, Isabela na mapapabilang siya sa top 10 sa 2019 Electrical Engineer Licensure Examination  dahil mahirap ang pagsusulit.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Engr. Ramos, nagtapos sa University of Santo Tomas (UST)  na nahirapan siya  sa pagsusulit pangunahin na sa kanilang huling araw.

Si Engr Ramos ay 21 anyos at nagtapos na cum laude sa kursong Bachelor of Science in Electrical Engineering sa UST.

Sinabi niya na na talagang pinangarap niyang mapabilang sa top 10 sa Electrical Engineer Licensure Examination ngunit inalis niya ito sa kanyang sa isip matapos ang kanilang pagsusulit at inasam na lamang na makapasa dahil marami siyang sagot na hindi niya matiyak.

--Ads--

Sinabi pa niya na nahirapan din siya sa pagreview dahil mailkli ang tatlong buwan kaya’t inaabot siya ng alas onse ng gabi bago matulog.

Sa naturang pagsusulit  ay  3,285  ang pumasa  mula sa 4,891  na kumuha ng Licensure Examination.

Labis na natuwa si Engr Ramos matapos malaman sa resulta ng exam na siya ay #3 sa nakuhang marka na 91.85%.

Nagpapasalamat siya sa lubos na suporta sa kanya ng kanyang mga magulang.

Ang tinig ni Enngr Derrick Ramos