--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa 29 mula sa 58 na nakalayang bilanggo sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law ang kusang sumuko sa mga PNP stations sa apat na lalawigan sa region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PLt Col. Chivalier Iringan, Information Officer ng Police Regional Office (PRO2) na 58 ang mga dating bilanggo na nasa listahan ng Bureau of Corrections (Bucor) ang ipinadala sa Regional Operations and Management Division ng PRO2.

Pinakahuling naidagdag sa listahan ng mga sumuko ang mula sa Echague, Isabela.

Pinakamaraming sumuko sa Cagayan na may 17, sa Isabela ay 6, sa  Nueva Vizcaya ay 4 at  sa Quirino ay 2 at wala sa Batanes

--Ads--

Ayon kay Lt. Col Iringan, ito ay bunga  ng pagtutulungan at magandang koordinasyon ng mga pulis  sa rehiyon dos.

Dinala na sa BuCor ang mga sumukong dating bilanggo mula sa 4 na lalawigan sa region 2.

Ang tinig ni PLt Col Chilavier iringan ng PRO2