--Ads--

CAUAYAN CITY –  Patay ang isang magsasaka matapos tamaan sa ulo  ng martilyo na ginawang panangga umano ng nakasuntukan na kapwa magsasaka sa Ambaguio, Nueva Vizcaya dahil  sa  nalason na aso.

Ang biktima ay si Arthur Lucas, may-asawa habang ang suspek ay ang kapwa magsasaka  na  si Robert  Dulnuan, 40 anyos, may-asawa at kapwa residente ng   Salingsingan, Ambaguio Nueva Vizcaya.

Sa  naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCapt Juanito Balite Jr., hepe ng Ambaguio Police Station na  pinaratangan ni Lucas si Dulnuan na lumason sa kanyang alagang aso.

Nagtungo si Lucas sa kanilang barangay hall upang komprontahin ang suspek ngunit nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo at nagsuntukan.

--Ads--

Ayon kay PCapt. Balite, lumabas sa kanilang imbestigasyon na si Dulnuan ay may hawak na martilyo at nang isinangga sa panununtok ni Lucas ay  aksidenteng  umanong  tumama  sa ulo ng biktima sanhi para mawalan ng malay.

Dinala sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital sa bayan ng Bambang  ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Ang suspek na  si Dulnuan ay agad namang sumuko sa mga otoridad.

Ang tinig ni PCapt. Juanito Balite Jr