--Ads--

CAUAYAN CTY – Patuloy ang search and retrieval operation para matagpuan ang katawan isang lalaki na nahulog kagabi sa Cagayan River matapos matumba sa overflow bridge sa Alicaocao, Cauayan City.

Ang nalunod ay si Arnel Wania, residente ng Union, Cauayan City at nasa impluwensiya umano ng alak.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Chief Tanod Waldo Laggui ng Alicaocao, Cauayan City, sinabi niya na umalis agad si Wania patungo sa tulay matapos na ibaba ang kanyang bayaw at pamangkin.

Nakita nilang pagewang-gewang ang kanyang motorsiklo kaya nila hinabol subalit hindi na nila ito naabutan.

--Ads--

Pagdating nito sa bahagi ng tulay na mababa ay pinigilan siya ng mga nagbubuhat ng kanilang mga motorsiklo subalit ipinagilid umano nito ang kanyang motorsiklo at nang matumba ang kanyang motorsiklo ay nahulog na rin siya sa ilog.

Agad silang humingi ng tulong sa mga kinaukulan at dumating din sila agad subalit hindi sila nakapagsagawa ng search and rescue dahil wala silang gagamitin na bangka.

Dakong alas nuebe kaninang umaga nang magsagawa ng search and rescue nang dumating ang mga bangka na gagamitin.

Ang tinig ni Chief Tanod Waldo Laggui ng Alicaocao, Cauayan City