--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na tinututukan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang paghahatid ngayong araw sa bangkay ng OFW na si Deserie Tagubasi sa kanilang bahay sa Lunsod ng Ilagan matapos na mabuhusan ng hydroflouric acid sa pinaglilingkurang electronics company sa Taiwan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kalihim Silvestre Bello III ng DOLE, sinabi niya na dumating kahapon ang labi ni Tagubasi, 29 anyos sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at dadalhin ngayong umaga sa kanilang bahay sa Lullutan, Lunsod ng Ilagan.

Aniya, kasabay ng pag-uwi ng labi ni Tagubasi sa Isabela ay ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad sa Taiwan upang alamin kung may pagkukulang sa Occupational Safety Standards matapos na masawi ang Ofw nang mabuhusan ng asido habang nasa trabaho.

Kumbinsido si Kalihim Bello na bagamat malinaw na aksidente ang nangyari kay Tagubasi ay naniniwala siya na maaaring may pagkukulang sa occupational safety standards ang pinagtatrabahuang electronics company.

--Ads--

Tiniyak niya na maipagkakaloob kay Tagubasi ang tulong pinansiyal at mga benepisyo bilang isang Overseas Filipino Worker.

Ang tinig ni DOLE Secretary Silvestre Bello III