--Ads--

CAUAYAN CITY– Dalawamput tatlong convict sa region 2 na napalaya sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law ang hindi pa sumuko.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PLt. Col. Chivalier Iringan, Information Officer ng Police Region Office 2 (PRO2) na 34 mula sa 57 convict na nakalaya sa bisa ng GCTA ang sumuko sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya.

Dalawa ang sumuko na wala sa listahan ngunit nakinabang sa GCTA.

Lima ang pinakahuling ibiniyahe pabalik sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

--Ads--

Nauna nang ipinasakamay sa Bureau of Corrections (Bucor) sa mga nagdaang araw ang 29 na convicts.

Sinabi pa ni PLt. Col. Iringan na mahigpit na minomonitor ng iba’t ibang himpilan ng pulisya sa region 2 ang mga hindi pa sumuko at kung ipag-uutos ng mga nakatataas nilang opisyal ang pagtugis sa kanila ay nakahanda silang tumalima.

Ang tinig ni PLt Col Chivalier Iringan, information officer ng PRO2