--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakumpiskahan ng maraming baril, bala at magazine, ATM cards at wallet ang mga holdaper na napatay at naaresto sa manhunt operation sa Ramon, Isabela matapos nilang holdapin sa Tuguegarao City ang cashier ng isang construction company sa Solana, Cagayan.

Sa press conference sa Ramon Police Station sa Ramon, Isabela na pinangunahan ni PBrig gen. Jose Mario Espino, regional director ng Regional Police Office (PRO2) ay iprinisinta ang naarestong holdaper si Alfred Solis ng Bacnono, Bayambang Pangasinan.

Napatay ang dalawa niyang kasama na sina Kristobal Cristobal ng Alaminos City, Pangasinan na killed-on-the spot habang namatay sa ospital sa Santiago City si Alden Francis Regudique ng Cabanglutan, San Juan, Ilocos Sur.

Kabilang sa mga nakumpiska sa mga holdaper ay isang M16 Armalite rifle, 3 Caliber 45, 7 magazine ng armalite rifle, 7 magazine ng Caliber  45,  5 handheld radio at mga assorted na bala, mga iba’t ibang uri ng wallet at ATM card at mga backpack.

--Ads--

Unang sinabi ni PCapt Abdel Aziz, Maximo,  hepe ng Ramon Police Station na nasukol ang mga holdaper sa palayan sa San Miguel, Ramon, Isabela.

Sa naganap na shootout ay tinamaan ng bala si Staff Sgt. Richard Gumarang na nasawi sa ospital.

Ang tinig ni PCapt Abdel Aziz Maximo

Samantala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PBrig Gen Espino na sa ebidensiyang nakuha sa mga holdaper ay posibleng miyembro sila ng isang organized crime group na kumikilos hindi lamang sa Cagayan kundi sa region 1 at region 3.

Ang kanilang hinoldap na si Lorena Carag, 45 anyos ay cashier ng isang construction company sa Solana, Cagayan at naglalabas ng pera sa bangko tuwing Biyernes para sa sahod ng kanilang mga kawani tuwing araw ng Sabado.

Ang tinig ng PBrig Gen Jose Mario Espino