--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinuri ni PBrig. Gen. Jose Mario Espino, regional director ng Police Regional Office (PRO2) ang kabayanihan ng mga kasapi ng Ramon Police Station at Isabela Police Mobile Force Company (IPMFC) pangunahin na si PSSgt Richard Gumarang na napatay sa naganap na shootout sa manhunt operation sa San Miguel, Ramon, Isabela.

Nasukol ng mga pulis sa palayan sa barangay San Miguel ang 4 apat na lalaki na sakay ng pulang Innova na nangholdap sa Lunsod ng Tuguegarao kay Lorena Carag, 45 anyos cashier ng isang construction company sa Solana, Cagayan.

Sa naganap na shootout ay tinamaan ng bala si PSSgt Gumarang at binawian ng buhay sa ospital.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PBrig Gen Espino na kapuri-puri ang pagpapakita ng kagitingan at katapangan ng mga pulis lalo na si PSSgt Gumarang.

--Ads--

Inayos na ang bangkay ni Gumarang sa isang punerarya sa Ramon, isabela bago iniuwi ang kanyang bangkay sa kanilang bahay sa Rizal, Kalinga.

Matapos ang press conference sa Ramon Police Station ay kinausap ni Brig Gen Espino ang misis ni PSSgt Gumarang na si Michelle na labis ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang asawa.

Ang tinig ni PBrig Gen Jose Mario Espino

Matatandaang sa manhunt operation ay napatay ng mga pulis ang dalawa sa apat na holdaper na sina Alden Francis Regudique ng Cabanglutan, San Juan, Ilocos Sur na namatay sa ospital habang killed-on-the spot KrIstobal Cristobal na taga-Alaminos City, Pangasinan.

Tinutugis pa ang nakatakas nilang kasama.