--Ads--

CAUAYAN CITY – Ibinunyag ng pamunuan ng Police Regional Office (PRO2) 2 na may nakalagay na government property sa M16 armalite rifle na nabawi sa apat na holdaper na naka-engkuwentro ng mga kasapi ng Ramon Police Station sa isinagawang manhunt operation matapos holdapin sa Tuguegarao City ang cashier ng isang construction company sa Solana, Cagayan.

Magugunitang tatlo ang ng namatay sa shootout kabilang si PSSgt Richard Gumarang ng Ramon Police Station at mga holdaper na sina Alden Francis Regodique ng Cabanglutan, San Juan, Ilocos Sur at Kristobal Cristobal na taga-Alaminos City, Pangasinan.

Nakakulong sa Ramon Police Station ang naarestong na holdaper na si Alfred Solis, residente ng Bacnono, Bayambang, Pangasinan habang pinaghahanap ang isa pa nilang kasamang nakatakas na si Alyas Berno.

Inihayag ni PBrig. Gen. Jose Mario Espino, regional director ng PRO2 na matapos ang engkuwentro ay nakumpiska sa mga holdaper ang isang M16 Armalite rifle, tatlong Caliber 45, 7 magazine ng armalite rifle, 7 magazine ng Caliber 45, limang handheld radio at mga assorted na bala, iba’t ibang uri ng wallet at ATM card at mga backpack.

--Ads--

Sinabi pa ni PBrig. Gen. Espino na ang M16 Armalite Rifle ay may nakasulat na government property.

Ito ay kabilang sa mga lumang issuance ng pamahalaan at mula sa Estados Unidos.

Iniimbestigahan na ng PRO2 kung paano napunta ang nasabing baril sa grupo ng mga holdaper

Ang tinig ni PBrig Gen Jose Mario Espino, regional director ng PRO2