--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi pa nakilala ang bangkay ng lalaking brutal na pinatay at itinapon sa barangay San Juan, Alfonso Lista, Ifugao.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay MSgt Alfred Ginaat, chief investigator ng Alfonso Lista Police Station, wala pang nakikipag-ugnayan sa kanila para kunin ang bangkay ng biktima.

Ang biktima ay nagtamo ng maraming saksak sa katawan pangunahin sa kanyang leeg at nakatali ang mga kamay at paa at may takip  na masking tape ang kanyang bunganga nang matagpuan noong Sabado sa San Juan,  Alfonso Lista, Ifugao.

Ang bangkay ng lalaki ay may nunal malapit sa kanyang tainga, tinatayang 5’6 o 5’7 ang taas at 70 kg ang kanyang timbang at nakasuot ng t-shirt na puti.

--Ads--