--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpasalamat ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) region 2 sa PISTON Cagayan Valley at mga jeepney driver and operators associations na hindi na itinuloy ang kanilang pakikiisa sa nationwide transport strike matapos siyang makipagpulong sa kanila kaninang umaga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Edward Cabase ng LTFRB region 2, sinabi niya na sa halip na strike ang nangyari ay nagkaroon na lamang ng palitan ng kaalaman para sa PUV Modernization Program ng pamahalaan.

Ang tinig ni LTFRB Regional Director Edward Cabase

Idinagdag pa ni Director Cabase na tutulong ang pamunuan ng LTFRB sa paghahanap ng mas mababang presyo ng mga modernong sasakyan.

Sa ngayon ay naglalaro ang presyo ng mga sasakyan sa 1.9 hanggang sa 2.2 milyong piso.

--Ads--

Ang kagandahan aniya ng modernisasyon ay mayroon itong klasipikasyon na mula class 1 hanggang class 4.

Ang class 1 ay ang kapalit ng multicab, class 2 ay ang kapalit ng jeep na ang itsura ay parang van subalit ang upuan ay magkakaharap pa rin ang mga pasahero nito.

Habang ang class 3 ay kahalintulad na talaga ng mga van ngayon na nakaharap ang mga upuan nito, at ang class 4 ay mayroon ng luggage compartment.

Tiniyak niya na lahat ng mga ito ay airconditioned, may GPS, CCTV, monitor, television, at iba pa.

Ayon pa kay Director Cabase, may ibibigay ang pamahalaan na Php 75,000 na subsidiya sa lahat ng mga miyembro ng kooperatiba.

Ang tinig ni LTFRB Regional Director Edward Cabase

Unang sinabi ni Nelson Escalante, secretary general ng PISTON Cagayan Valley na magsasagawa sila ng caravan at programa sa jeepney terminal sa Santiago City bilang pakikiisa sa transport strike.

Nilinaw niya na hindi sila tutol sa PUV Modernization program kundi ang inaalmahan nila ay ang maraming requirements sa pag-avail ng loan at mataas na presyo ng mga modernong jeep.

Ang tinig ni Nelson Escalante

Photo Credit: Piston Cagayan Valley FB