--Ads--
Photo Credit: Ruby Rosendo Lorenzo Tugade FB

CAUAYAN CITY – Sinampahan na ng kasong murder sa Prosecutor’s Office ang tatlong suspek sa pagbaril at pagpatay kay dating Board Member Napoleon Hernandez, itinalagang Municipal administrator ng pamahalaang lokal ng San Mateo, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Greg Pua ng San Mateo, Isabela sinabi niya na ang nagsampa ng kaso sa piskalya laban sa 3 suspek ay ang binuong special task group na tumututok sa kaso ng pagpatay kay Hernandez.

Ayon umano sa abogado ng kanyang maybahay na si Ginang Placida Hernandez, ang dalawa sa mga sinampahan ng kaso ay namukhaan niya na dating body guard ng isang pulitiko.

Ang tinig ni Mayor Greg Pua

Magkasama ang mag-asawang Hernandez sa loob ng kanilang sasakyan at nag-uusap nang barilin si dating SP Member Nap Hernandez ng riding-in-tandem criminal noong gabi ng July 1, 2019.

--Ads--

Galing ang mag-asawa sa oath-taking ni Mayor Pua at mga nahalal na kasapi ng Sangguniang Bayan at pauwi na nang maganap ang pamamaril sa kahabaan ng daan sa Dagupan, San Mateo, Isabela.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib si Hernandez at binawian ng buhay sa ospital.