--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagpagaling pa rin sa ospital ang isang bilanggo matapos na  uminom ng asido sa loob ng Bambang Police Station sa Nueva Vizcaya

Sa  panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaster Sgt. Joey Flores  ng Bambang Police Station,  sinabi niya na hindi binigyan  ng baon na pagkain ng kanyang live-in partner  si Jake Santos, 21 anyos  at residente ng Homested Bambang Nueva Vizcaya na   nag-udyok  upang magtangkang magpakamatay

Una rito ay tumawag umano si Santos sa kanyang kinakasama  at tinanong kung  bakit walang  ipinadalang pagkain.

Minasama ni Santos ang tila pag-abandona sa kanya ng kanyang kinakasama.

--Ads--

Dahil dito ay nagtungo si Santos sa palikuran ng kanilang selda at ininom ang nakitang  asido na ginagamit sa paglilinis.

Tinig ni PMaster Sgt. Joey Flores  ng Bambang Police Station

Agad namang  isinugod sa ospital  si Santos  dahil  patuloy ang  iniindang panghihina at pananakit ng kanyang  tiyan.