--Ads--

CAUAYAN CITY – Puspusan na ang decongestion ng National Food Authority (NFA) region 2 sa mga warehouse nito  para sa 1.4 million bags ng bigas na binili ng ahensiya mula noong Enero 2019.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Manager Rocky Valdez ng NFA region 2, sinabi niya na kasalukuyan na ang milling ng mga nabili nilang palay upang maging bigas at mailipat sa ibang bodega ng ahensiya sa Ifugao at Mt. Province maging sa mga rehiyon na ngangailangan ng tustos ng bigas.

Ayon kay Ginoong Valdez, unti-unti ay nakakagawa sila ng bagong espasyo bilang paghahanda sa pagbili ng mga aning palay ng mga magsasaka wet crop season.

Ang lalawigan naman ng Cagayan ay nanatili na mababa ang storage sa kanilang mga bodega dahil hindi pa sinimulan ang decongestion ng NFA sa Cagayan para bigyang-daan sana ang pagbili sa aning palay ng mga magsasaka ngayong anihan.

--Ads--
Ang tinig ni NFA Regional Manager Rocky Valdez