--Ads--

CAUAYAN CITY –  Naging madamdamin ang mga kapamilya ni  yumaong Sangguniang Panlunsod Member Reynaldo “Rene” Uy sa paghahatid sa kanya sa huling hantungan kaninang alas otso ng umaga sa Chinese Cemetery sa Cauayan City.

Ang kanyang libing ay dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaang lunsod sa pangunguna ni Mayor Bernard Dy, mga kasapi ng Sangguniang Panlunsod at mga opisyal ng barangay sa Lunsod ng Cauayan.

Idinaan ang kanyang kabaong sa Cauayan City Hall kung saan binasbasan ni Fr. Patrick Pua, kura paroko ng Our Lady of the Pillar Parish Church bago dinala sa Chinese Cemetery.

Itinabi  ang nitso ni SP Member Rene Uy sa nitso ng unang yumaong asawa na si Carmencita.

--Ads--

Nakasuot ng mga puting  t-shirt ang mga kapamilya ni  SP Member Uy sa kanyang libing gayundin ang mga opisyal ng pamahalaang lunsod at mga opisyal ng barangay na dumalo sa libing.

Matatandaang pumanaw si SP member Rene Uy noong gabi ng Lunes sa isang ospital sa Maynila dahil sa kanyang karamdaman.

Nagpasalamat naman ang anak na si Barangay Kagawad Balong Uy ng District 1, Cauayan City sa mga nakiramay at nakidalamhati sa kanilang pamilya.

Ang tinig ni Barangay kagawad Balong Uy