--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela ang publiko kasabay ng pagdiriwang ngayong Oktubre ng Consumer Welfare Month na mag-ingat sa pagbili ng mga produkto lalo na sa online shopping.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Winston Singun ng DTI Isabela, sinabi niya na marami na silang natanggap na reklamo tungkol sa pagbili nila sa mga online shopping.

Kabilang dito ang pagbili ng isang ginang ng LPG regulator gayundin ang pagbili ng gadgets na kailangan ng warranty.

Mayroon ding bumili sa isang sikat na online shopping company na iba ang dumating sa kanyang inorder kaya niya ibinalik subalit hindi agad nakuha ang kanyang pera.

--Ads--

Ayon kay Director Singun, lumapit sa kanila ang biktima na agad naman nilang tinugunan at doon lamang ibinalik ang kanyang pera.

Pinayuhan ni ProvinciaL Director Singun ang mga mamamayan na maki-pagtransaksyon lamang sa mga taong kilala nila para kung magkaroon ng problema ay alam nila kung sino ang kanilang hahabulin.

Ang tinig ni Provincial Director Winston Singun