--Ads--

SA INDIA – Natuwa ang mga mamamayan sa isang village matapos mahuli na sa ilog ang tinaguriang monster catfish na pumatay at kumain na ng ilang tao.

Ang nakahuli sa giant hito ay ang  British biologist na si Jeremy Wade na nakahuli na rin ng mga higanteng isda sa iba’t ibang panig ng mundo.

Noong 1998 nang magsimulang umatake ang higanteng hito sa ilog Kali nang sagpangin nito sa ilalim ng tubig ang isang 17 anyos na binatilyo habang naliligo.

Tatlong buwan matapos ang madugong insidente, isang batang lalaki  ang panibagong biktima ng dambuhalang hito.

--Ads--

Naliligo ang bata kasama ang kanyang ama nang sagpangin ito at hindi na nakita ang katawan at pinaniniwalaang kinain ng hito.

Ilang ulit pang nambiktima ang higanteng hito ng mga naliligo sa ilog hanggang sa nabalitaan ng biologist na si Jeremy Wade  ang tungkol sa hito na kumakain ng tao.

Nagtungo siya sa India, nagsagawa ng imbestigasyon at nagtanung-tanong sa mga tao ukol sa higanteng hito.

Nalaman ni Wade na nasanay sa laman ng tao ang hito dahil kinakain ang mga  bangkay na ipinapaanod sa tubig na nakaugalian ng mga tribo na nakatira malapit sa ilog Kali.

Dahil sa nalaman, matiyaga na nag-abang si Wade sa ilog hanggang sa isang bangkay ang nakita niyang inaanod sa ilog at nakita niya na sinagpang ito ng higanteng hito at kinain.

Isinagawa ni Wade ang paghuli sa hito katuwang ang mga tao sa nasabing pamayanan.

Gamit ang isang malaking pamingwit na may pain na karne, nahuli nina Wade ang higanteng hito.

Nahirapan silang iahon ang hito sapagkat umaabot sa 6 feet  ang haba nito at 70 kilograms  ang bigat.

Mula nang mahuli ang monster catfish ay wala nang nasawi sa mga tao na naliligo sa ilog ng Kali.