--Ads--

CAUAYAN CITY– Tatlong matataas na pinuno ng New  Peoples Army (NPA) ang dinakip ng pinagsanib na puwersa ng sundalo at pulisya sa magkahiwalay na checkpoints sa lalawigan ng Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Division Public Affairs Office  Chief Major Noriel Tayaban ng 5th Infantry Division Phil. Army na ang mga nadakip ay nakilalang sina Violeta Ricardo, alyas Ka Issa, Deputy Secretary ng Northern Front Committee  at Pinuno  rin ng Regional  finance ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley; Cristina Miguel Garcia alyas Ka Senyang, staff Regional Operation Department ng Kilusang Guerilla Cagayan Valley at Delailah Padilla alyas ka Domsay, Education Staff Squad Dos  ng Northern Front.

Si Ka Issa ay mayroong kinakaharap na mga kasong dalawang kaso ng  murder, isang Frustrated  murder at rebelyon na may patung sa ulo na 2.4 million pesos.

Si Ka Senyang ay mayroon ding kinakaharap na kasong tatlong  bilang ng  murder, isang  kaso ng frustrated murder, isang qualified assault upon an agent  in authority with murder

--Ads--

Habang si Ka Domsay ay nahaharap sa   kasong murder at robbery with murder at may patung sa ulong pitung daang libong piso

Matapos anya ang isang buwan na pagmamanman ng pinagsanib na puwersa ng  AFP-PNP ay nadakip sila sa magkahiwalay na checkpoint na Naddungan Gattaran, Cagayan  at Leonarda, Tuguegarao City.  

Tinig ni Major Noriel Tayaban, DPAO Chief ng 5th ID

Sakali naman anyang magsagawa ng pagganti ang mga rebelde ay nakahanda ang pulisya at militar.