CAUAYAN CITY– Stranded ngayon ang ilang opisyal ng pamahalaang panlalawigan Isabela na dumalo sa Agri-week of Agriculture Technology o Agri- Expo sa bansang Japan dahil sa bagyong Hagibis sa nasabing bansa.
Ito ay makaraang kanselahin flight ng 11 opisyal ng Provincial Government ng Isabela kabilang ang pitung kasapi ng Sangguniang Panlalawigan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sangguniang Panlalawigan Member Fred Alili, isa sa mga na-stranded na malakas na ang nararanasang pag-ulan sa Tokyo, Japan sanhi para kanselahin ang kanilang flight pabalik ng Pilipinas.
Nag check out na anya sila sa kanilang hotel nang malamang kanselado ang kanilang flight na naging sanhi para mahirapan silang mag-book ng kanilang tutuluyang hotel dahil fully book na ang karamihang hotel sa Tokyo .
Sa Huli ay nakahanap din sila ng hotel kung saan sila magpapalipas ng buong magdamag.
Nararanasan na ang malakas na ulan at hangin dulot ng bagyong Hagibis sanhi para magsara na ang mga bahay kalakal na kinabibilangan ng mga restaurants, maging ng mga train, subway at airport.