--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinarangalan ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Environment Ministers ang Divisoria High School bilang Most Sustainable and Eco-Friendly School sa secondary schools category.


Ang ASEAN Eco-Schools Award 2019 ay tinanggap ni Mayor Joseph Tan sa Cambodia kasama ang ilang opisyal ng Department of Education (DepEd) Santiago City.


Ang award ay pagkilala sa mahusay na pagpapatupad sa programa ng paaralan na pangangalaga sa kapaligiran.


Kabilang dito ang tamang pagtatapon ng basura bilang pagtalima sa Republic Act 9003 o Ecological Waste Managemen Act.

--Ads--


Kabilang dito ang pagpapahalaga sa nutrisyon ng mga mag-aaral, hindi paggamit ng plastic, hindi pagsusunog ng mga basura, paggamit tubig ulan sa pagdidilig ng mga halaman at iba pang proyekto para mapangalagaan ang kalikasan.


Ayon kay Mayor Tan, ang nakamit na award ng Divisoria High School ay hindi lamang hamon sa eskwelahan kundi sa iba pang paaralan sa bansa para maging eco-friendly school.

Ang natutunan ng mga estudyante sa paaralan ay gagawin din nila sa kanilang mga bahay.