--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng City of Ilagan Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 at National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalake na kabilang sa DI Watchlist ng Philippine National Police (PNP) sa isinagawang drug buy bust operation sa Centro Poblacion, Lunsod ng Ilagan.

Ang dinakip ay si Arnel Cabrera, 39 anyos at  residente ng Sta. Barbara, Lunsod ng Ilagan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office (IPPO) nadakip ang suspek matapos na positibong makabili ng isang pakete ng naglalaman ng hinihinalang shabu ang pulis na nagpanggap na poseur/buyer.

Nasamsam din kay Cabrera ang isang 1,000 pesos na drug buy-bust money at cellphone na ginamit sa transaksiyon.

--Ads--

Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.