--Ads--

CAUAYAN CITY – Isa ang patay habang apat ang nasugatan sa salpukan ng dalawang sasakyan sa national highway sa Bascaran, Solano, Nueva Vizcaya.

Ang namatay ay ang tsuper ng pick up na si William Tolentino, 59 anyos habang ang mga nasugatan ay ang sakay na mag-asawang sina Avelina Taguba, 58 anyos at Franklin Taguba, 64 anyos, pawang residente ng Gattaran, Cagayan.

Nasugatan din sina Wincy Longgat, 26 anyos, residente ng Buenavista, Angadanan, Isabela at tsuper ng nakabanggaan ng sasakyan na minamaneho ni Tolentino at ang sakay na si Fredison Ancheta, 31 anyos at residente ng Echague, Isabela.

Sa impormasyon mula sa Solano Police Station, binabagtas ng dalawang sasakyan ang magkasalungat na direksiyon nang biglang umagaw ng linya ang pick up na naging dahilan para sumalpok sa kasalubong na sasakyan.

--Ads--

Agad naisugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival si Tolentino habang pinutulan sa paa ang tsuper ng nakabanggaan na sasakyan na si Longgat.