--Ads--

CAUAYAN CITY–  Hinihintay ng lamang ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magtungo sa kanilang tanggapan ang pamilya ni Analiza Laman Cagurangan,   ang OFW na nagpakamatay sa Oman.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Labor Secretary  Silvestre Bello III sinabi niya na ipinag-utos na niya sa Labor  attache’ sa Oman ang pagsisiyasat sa nasabing pagpapakamatay ng nasabing OFW.

Aniya hindi maaaring magtiwala sila agad sa kung ano ang lumabas sa social media dahil sa ngayon ay talamak ang pagkalat ng fake news.

Nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa Oman upang mapauwi  sa  San Mariano, Isabela  ang bangkay ng nasabing OFW.

--Ads--

Pinamamadali na rin niya ang pagsisiyasat sa kung ano ang tunay na pangyayari sa pagpapakamatay ni Analiza.

Tinig ni Labor Sec. Silvestre Bello III

Samantala, nlungkot ang isang OFW advocate sa pagpapakamatay ni  Analiza Laman Cagurangan na dating na nilang natulungan .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Reuel Yumol isang OFW advocate mula sa Jeddah,Saudi Arabia, sinabi niya na una na nilang nasagip si Analiza   sa Taif  City,  Saudi Arabia noong May 1,  2016 dahil sa ulat ng  pagmamaltrato ng kaniyang amo.

Aniya dahil wala silang nakausap na kapamilya si Analiza  ay siya  na  mismo ang tumayong complainant para sa OFW

Inatasan anya ng mga otoridad ang employer   ni  Analiza Laman Cagurangan  na dalhin sa  himpilan ng pulisya sa Taif City ang OFW   dahil sa ulat na ito ay binubugbog  at kanilang napatunayan  matapos na makitang puno ng pasa  ang katawan ng nasabing OFW.

Matapos nito ay nakipag-areglo  umano si Analiza sa kanyang employer sa himpilan ng  pulisya at ibinigay ang lahat ng sahod nito na hindi naibigay.

May  8, 2016 ng ihatid nila si Analiza sa  airport   upang umuwi na sa pilipinas.

Tinig ni G. Reuel Yumol, isang OFW Advocate sa Saudi Arabia

Aniya matapos na marescue at ma-repatriate si Analiza Laman Cagurangan  ay muli  siyang  nagbalik sa Saudi Arabia bago  siya nagtungo sa Oman kung san siya nagpakamatay.