--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga kasapi ng Cabagan Police Station ang suspek sa pamamaril sa Chief Security ng Isabela State University (ISU) Cabagan Campus.

Ang inarestong suspek ay si Bernardo Lago, 42 anyos at ang kanyang kasamang suspek na si Alfredo Malabag, 60 anyos ay nakitang patay na.

Ang biktimang si Randy Morillo, 47 anyos,  chief security ng ISU Cabagan Campus ay kasalukuyang inoobserbahan sa ospital.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang dalawang M16 armalite rifle na may magazine na may  limang bala at isang single motorcycle.

--Ads--

Inihahanda na ang kasong frustrated murder laban kay Lago.