--Ads--

CAUAYAN CITY– Inilagay na sa code white alert ng Department of Health  region 2 ang lahat ng  mga health personnel bilang paghahanda sa inaasahang pagtama  ng  Bagyong Ramon sa  Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Val aaron Taguinin,Health Emergency Management Services Head ng DOH region 2, sinabi niya na nakaantabay na ang kanilang mga health personnel,  at iba pang kailangan sakaling magkaroon ng health emergency na dulot ng bagyo.

maraming sakit ang maaaring makuha ngayon dahil sa malamig na ang panahon.

Sa kabila nito ay tiniyak  niya na sapat ang kanilang mga gamot para tugunan ang  mga sakit.

--Ads--
Tinig ni G. Val Aaron, Hems head-DOH region 2

Nakahanda naman ang ahensiya na magtaas ng alert status depende sa magiging epekto sa lalawigan ng bagyong Ramon