--Ads--

CAUAYAN CITY– Dinakip ng mga pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Ditection Group (CIDG) Isabela, Provincial Inteligience Branch ng Isabela Police Provincial Office, Regional Intelligence Unit 2 at Reina Mercedes Police Station ang isang security guard matapos masamsaman ng mga baril, granada at mga bala sa kanyang bahay at matuklasang may kinakaharap pang kasong robbery.

Ang suspek ay si Ramon Monte, 28 anyos, number 2 most wanted person orovincial level, at residente ng Purok 1, Brgy. Banquero, Reina Mercedes, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni kay PLt. Col. Arturo Marcelino, pinuno ng CIDG Isabela, na isinilbi laban kay Monte ng mga operatiba ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Ferdinand Dalpig ng 5th MCTC, Naguilian-Reina Mercedes, Isabela dahil sa paglabag RA 10591 ( illegal possestion of firearms and ammunition).

Bukod dito ay natuklasang may isa pang warrant of arrest na mula sa Regional Trial Court Branch 60, 3rd Judicial Region sa Angeles City si Monte sa kasong Robbery kayat kanilang isinilbi.

--Ads--

Sa paghahalughog ng mga operatiba sa bahay ng suspek ay nasamsam ang ibat-ibang uri ng baril na kinabibilangan na na dis-assemble na Cal. 45, isang Cal. 38 , isang Cal. 38 replica, granada, mga bala ng shotgun Cal. 22; Cal. 38, Cal. 38 at isang improvised Airgun.

Tinig ni PLt. Col. Arturo Marcelino

Ayon kay Lt. Col Marcelino ang suspek ay dinala sa CIDG Isabela para sa booking at arrest procedures bago ipasakamay sa court of origin.