--Ads--

CAUAYAN CITY– Naniniwala si Dating Executive Judge ng Manila RTC na si Atty. Ralph Lantion na magsisislbing halimbawa ng maayos na pangangasiwa ng sistema ng batas sa bansa ang isinagawang promulgation ng Maguindanao Massacre case.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Ralph Lantion, sinabi niya ang naging hatol na guilty sa mga pangunahing suspek sa maguindanao massacre ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng RTC branch 221 ay patunay na mayroong hustisya para sa mga biktima.

Kabilang sa nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo sina dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. at dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan at kasama ang ilan pang miyembro ng pamilya Ampatuan at ilang pulis.

Tinig ni dating Manila RTC Executive Judge Ralph Lantion

Bagamat aminado siya na hindi sapat ang  reclusion perpetua o hanggang 40 taon na pagkakakulong para sa mga akusado sa karumal dumal na krimen ay naniniwala siya na magsisilbi itong patunay na umiiral pa rin ang hustisya sa bansa.

--Ads--